Si Ryan Lobbins, ang taong nakatagpo ng mga iPad 2 jailbreak na dokumento, ay nagpapaliwanag sa kung papaano naikalat ni Will Sayer.
-----
Ito ay nagsimula isang gabi nuong ika-27 ng Hunyo. Ako ay naglalaro ng Star Craft kasama ng ilang mga kaibigan habang nagbabasa ng bagong ulat mula sa twitter ni Comex gaya ng ibang mga taong umaantabay sa paglabas ng jailbreak. Dahil dito, ako ay natuksong hanapin ang isa sa mga website na binanggit niya sa nakalipas nyang tweet. Ang site na ito ay ang www.qoid.us , sa una kong paghahalungkat,ang unang sumagi sa isip ko ay ang bannerbomb na pananamantala ni comex para sa wii. Mas lalo akong nakumbinsi na ang website na ito ay kanyang pag-aari. Pagkatapos nito, ang sumunod kong ginawa ay ang paghalughog sa directories sa kanyang website at dito ko natunton ito (Ipad 2 jailbreak).Natanto ko ang isang folder ta may ngalang saffron na nakatawag ng aking pansin, sa kadahilanang ang jbme 2.0 ay nakatala.
Eh ano ba ang gagawin mo kung ikaw man ang nakatagpo ng isang website na naglalaman ng mga datos para sa jailbreak na pinakahihintay ng mga tao makalipas ang maraming buwan? Nuong una ay di ko malaman kung ano ang gagawin, at nagduda kung talagang natagpuan ko nga ang mga files. Ang tunay na takda lamang na natagpuan ko ang mga ito ay lahat ng ito ay pdf files, deb files na nakapangalan sa ibang iOS na kagamitan, at isang php file. Ang kahulihulihan kong ninais ay ang ipadala ang lahat ng dokumento at sabihing heto na sila.Gaya ng isang nagtrabaho sa isang proyekto ng ilang taon sa nakalipas, magagalit din ako kung ang aking gawain ay maisisiwalat bago pa ako o ang aking pangkat ay maging handa . Ang bagay na ito ay ginagawa na ni Comex ng mahigit sa isang taon.
Syempre ang una kong ginawa ay subukan ang mga files. Sa aking pagkakaintindi sa tweet ni comex's sa mga panahong iyon ay naisip ko na lamang na malapit na nila itong makumpleto at di naman masisira ng lubusan ang aking iPad. Ang sumunod ay gumawa ako ng kopya ng mga files para sa aking sariling kapakanan upang subukin sa iba pang kagamitan, hindi para ibugar ang mga ito. Hindi ko alam kung ililipat ni Comex ang mga files bago ako gumising kinabukasan. At bilang katibayan sa aking mga kaibigan na wala namang kadahilanan o kagustuhang magjailbreak, ngunit gustong lamang makita na inupload ko sa site na ito. Ito na ang pinakamalaking pagkakamali ko.
Ngayon sa sumunod na araw, ano ang gagawin mo sa inpormasyong nakuha mo mula sa decompiling at decompressing ng mga files. Di mo nanaising isiwalat sila, ngunit wala namang impormasyon o bagong balita ukol dito. Nagtataka na rin ang mga tao kung totoo nga ang jailbreak na ito. Ang ginawa ko lamang ay isiwalat ang pagkakaroon ng jailbreak, walang larawan, walang files, ako lamang ay nagsulat sa mga talakayan ng aking nalalaman. Syempre ako ay tinawag ng iba't ibang tao ng kung anu-anong pangalan at sinabing ako ay isang impakto at iba pang palaway. Ang sumunod ay nagpadala ako ng pribadong mensahe sa dalawang tao na nasa talakayang aking kinasasalihan. Sa puntong iyon, makalipas ang ilang mensahe, ang bukod tangi ko lamang na ipinadala ay isang larawan. Iyon lamang ang kaunaunahan at kahulihulihang dokumento na aking ipinadala. Ang larawan ay ukol sa bagong jailbreakme site, tinanggal ko ang url upang di lumabas ito. Ito na ang huling nangyari noong ika-28 ng Hunyo.
Nagbakasyon ako nuong ika-30 at di pa uuwi hanggang sa ika-15 ny Hulyo, ngunit ako ay nagapi ng aking kuryosidad kagabi. Nasa sa aking ang mga files ngunit di gumana sa aking iPad, ngunit ako ay nagtaka kung ito ba ay gumana nga. Tinawagan ko ang isa pang tao na nasa talakayan na may palayaw na multimediawill/appreviewer will at Will Sayer. Sinubok nya ang isa sa mga pdf at najailbreak ang kanyang iPad. Nagulat ako, sya man ay nagulat. Nangako syang di niya isiswalat ito kung kaya't ako ay natulog na. Nang paggising ko nakita ko ang listahan ng mga emails na nagsisidatingan. Agad-agad ay binura ko ang mga dokumento, pakiramdam ko ay para akong isang tanga at nabagabag sapagkat nagapi ako ng aking kuryosidad na nagdulot ng lahat ng ito. Di ko ninais na maisiwalat ito ng ganito katalamak. Sa lahat, ako ay humihingi ng pasubali kay Comex. Di ko ninanais na makatawag pansin, at di ko ninanais na isiwalat ang mga ito gaya ng ginawa ni Will. Nausyoso lamang ako, at ang aking pag-uusyoso ang nagdulot nito. Kung kaya't sa kabuuan ng pagsisiwalat na ito ay malamang na 10% na aking kasalanan, natagpuan ko ang mga dokumento, gumawa ng mga kopya at ibinahagi ang mga ito, ngunit si Will ay kabaliktaran ng lahat ng ito. Gusto nyang makatawag pansin at ikalat ang balita sa mga tech blogs, gumawa ng palabas at ikinalat ang mga links tungo sa files na nasa aking site.
-----
Binura na ni Lobbins ang lahat ng files na nasasakanya at si Comex naman ay sa kasalukuyang nagtratrabaho ng mabilisan upang mabuo nya ang jailbreak bago pa makapaglabas ang Apple ng update para sa iOS 4.3.3.
Magbasa pa ng marami [via RedmondPie]